DUBAI (Reuters) – Muling binatikos ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ang Saudi Arabia kaugnay sa paraan ng pagpapatakbo nito sa haj matapos ang pagguho noong nakaraang taon na ikinamatay ng daan-daang pilgrims, at nagsuhestyon na pag-isipan ng mga bansang Muslim ang pagwawakas sa kontrol ng Riyadh sa taunang pilgrimage.
Inakusahan naman ng Saudi Arabia ang Iran, ang pangunahing karibal nito sa rehiyon, na pinopolitika ang okasyon ngayong taon, sinabi nitong Lunes na ikinokompromiso ng Iran ang kaligtasan sa mga aksyon nito.
Nirerepaso na ng Saudi ang mga paghahanda sa pilgrimage na magsisimula sa Setyembre 11.