IPINAGDIRIWANG ng Swaziland, isang malawak na lupaing monarkiya sa katimugang Africa, ang Independence Day nito tuwing Setyembre 6 ng bawat taon bilang paggunita sa kaparehong araw noong 1968 nang kilalaning nagsasariling estado ang Kingdom of Swaziland matapos pamunuan ng Great Britain simula noong 1903. Kilala rin ang okasyon bilang Somhlolo Day o Sobhuza Day, ipinangalan kay Sobhuza II (1899-1982), ang hari ng Swaziland simula noong 1921 hanggang sa pumanaw. Kilala siya bilang ang hari “who blended 500-year-old customs with up-to-date pragmatism to produce an African economic and political success story.”

Ang Independence Day ng Swaziland ay malawakang ipinagdiriwang sa pamamagitan ng malalaking aktibidad na idinadaos sa Somhlolo National Stadium. Karaniwang nagtatalumpati ang hari at sumasayaw sa mga seremonya, na nagpapamalas din ng kultura ng Swaziland at itinatanghal ng daan-daang partisipante na nakasuot ng tradisyunal na kasuotan, armado ng kalasag at pangdepensang “sakila”. Ang mga selebrasyong tulad nito ay dinadaluhan ng Prime Minister at ng mga miyembro ng gabinete. Naging tradisyon na rin ang pagsasayaw ng Swazi regiments. Grupu-grupo ng kabataang babae ang nagtatanghal ng mga tradisyunal na sayaw. Tampok din sa mga cultural presentation ang sayaw na “Sibhaca” na tinatampukan ng kabataang lalaki at mga batang lalaki, sa saliw ng naglalakihang tambol.

Ang Swaziland ay isa sa iilan na lamang na monarkiya sa mundo. Isa itong maliit na bansa sa South Africa na kilala sa napangangalagaan nitong kagubatan at mga kapistahan. Nakikihati ito sa mga hangganan ng Mozambique at South Africa.

Ang Lebombo Mountains ang malawak na matatanaw sa maraming hiking trails ng Mlawula Nature Reserve, samantala ang kalapit na Hlane Royal National Park ay nagsisilbi namang tahanan ng mga hayop na gaya ng leon, hippo, at elepante.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bagamat ang Lobamba ang tradisyunal, ispiritwal at legal na kabiserang siyudad ng Swaziland, ang sentro ng

Parlamento, ang tahanan ni Ntombi, ang Queen Mother, na Mbabane ang pangunahin at pinakamalaking lungsod sa bansa.

Kabilang sa mga pangunahing atraksiyon sa Lobamba ang Parlamento, National Museum of Swaziland, Mlilwane Wildlife Sanctuary, at King Sobhuza II Memorial Park. Ipinagmamalaki ng kabiserang siyudad ng Mbabane ang Coronation Cycle Park, na pinangangasiwaan ng mga lokal na siklista, at ng Velo Cycle eSwatini sa pakikipagtulungan ng Epilepsy Organization at ng Municipal Council ng Mbabane. Tampok sa parke ang isang teknikal at orihinal na naiibang circuit sa loob at paligid nito. Mayroon itong mga harang na gawa sa mga tulay na kahoy na kinabibilangan ng isang anim na metrong drop bridge, mga binalu-baluktot na pallet, at mababatong lugar. Nag-aalok ang parke ng mga rutang akma sa kahit na anong antas ng kakayahan sa pagbibisikleta, mula sa mga bata hanggang sa mahuhusay sa mountain biking.

Binabati namin ang Mamamayan at Gobyerno ng Swaziland, sa pangunguna ni His Majesty, King Mswati III, at ni Prime Minister Barnabas Sibusiso Dlamini, sa pagdiriwang nila ng Independence Day.