BANGKOK, Thailand – Nanawagan si National Youth Commission chair Aiza Seguerra ng suporta para panatilihin ang Sangguniang Kabataan sa gitna ng mga pahayag kamakailan ng maraming mambabatas na humihiling ng abolisyon nito.

“Give it one more chance,” pahayag ni Seguerra sa mga reporter sa Subarnavhumi International Airport dito sa Thai capital. Patungo siya sa Laos para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations Youth Leaders Summit.

“Given the right guidance and direction, the youth--they’re a force to reckon with. Specially now that the President’s mandate is against corruption,” dagdag niya.

Naunang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na nais niyang buwagin na ang SK, kasama ang mga barangay councilor, sapagkat hindi na kailangan ang papel ng mga ito dahil ang lahat ng sektor ay mayroon nang kinatawan sa Kongreso.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Alvarez na sa kasalukuyang kalakaran ay tumatanggap ng suweldo ang mga kinatawan ng SK nang wala namang ginagawa at nagagamit pa sa pangungurakot.

Nais ni Seguerra na makapulong si Speaker Alvarez at iba pang mga mambabatas na tagasuporta ang kabataan upang mapag-usapan ito.

“I can understand where the Speaker is coming from on this issue and on our part, we also want to show the other side of the issue,” paliwanag niya. “If they hear the plans of other government agencies to assist the SK maybe they will change their minds.”

Iginiit ni Seguerra na iba talaga kapag nabibigyan ng boses ang kabataan dahil sila lamang ang makapagsasabi kung ano ang kanilang tunay na kailangan.

“Let us not abolish their representation,” himok niya. “The issues we are currently facing as a nation is alarming.

It is important that the youth is given their part to contribute to the solution of the problem.” (ROY C. MABASA)