Sa kabila ng pinakalat na pwersa ng pulis at militar, kasunod ng idineklarang ‘state of lawlessness’, nananaig pa rin ang demokrasya sa bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“We are a democracy. We are not fascists. I will not order the military or the police to frisk everyone,” ayon sa Pangulo.

Noong Linggo, pinulong ng Pangulo ang Cabinet security cluster matapos ang pagsabog sa Davao City.

Sa kasalukuyan, unti-unti na umanong bumalik ang negosyo sa lugar.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Citizens of Davao are coping with the incident in a very healthy manner, but remain vigilant following President Duterte’s declaration of a state of lawlessness,” ayon pa sa statement na ipinalabas ng Malacañang.

Ang Pangulo ay tiwala na masasakote ang mga responsable sa pagpapasabog.

Umaasa rin ito na kaya ng kanyang security cluster ang pagbibigay ng seguridad sa taumbayan, habang siya ay nasa Laos. (Elena Aben)