CLEVELAND (AFP) – Mainit ang labanan ng magkaribal na sina Hillary Clinton at Donald Trump sa pagsisimula ng dalawang buwang kampanya para sa US presidential election nitong Lunes. Nag-unahan sila sa Ohio, ang itinuturing na ground zero ng kanilang 2016 battle.

Sinamantala ng dalawang kandidato ang Labor Day holiday – ang tradisyunal na paglulunsad ng home stretch ng presidential campaign – upang isulong ang kanilang mga argumento na sila ay nakabubuti para sa working class Americans.

“I’m not taking anybody, anywhere for granted,” sabi ni Clinton sa mahigit 1,000 nagtipon sa isang picnic sa Cleveland.

Inaabangan na rin ang tatlong presidential debates sa susunod na tatlong linggo.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

“I expect to do all three,” sabi ni Trump sa mamamahayag.