Calvin at Eiza copy

MAY bagong babae si Calvin Harris sa kanyang buhay – ang Mexican actress at singer na si Eiza Gonzalez. Bagamat sinabi ng source sa People na wala pa sa serious stage ang relasyon ng dalawa.

Namataan sina Harris, 32, at Gonzalez, 26, na magkasamang magkaakbay sa party sa Los Angeles kasama ang kanilang kaibigan noong Sabado ng gabi. Nakasuot si Harris ng itim na shirt at jeans at all-black din ang suot ni Gonzales.

Dati ring na-link si Gonzalez sa soccer star na si Cristiano Ronaldo at nakita ring nakikipaghalikan kay Liam Hemsworth noong 2013, isang araw matapos ibunyag ang pakikipaghiwalay nito kay Miley Cyrus. Nagkatagpo si Hemsworth at Gonzalez sa Las Vegas na laging binibisita ni Harris para sa kanyang deejay residency.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“They have been talking and hanging out,” sabi ng source sa People tungkol sa status nina Harris at González. “It’s new.” 

Ang DJ, na kilalang nakarelasyon ni Taylor Swift, ay nakikitang lumalabas kasama ang R&B singer na si Tinashe kamakailan. Sinabi ng source sa People noong Hulyo na si Harris at Tinashe ay “casually seeing each other.” 

Lumabas ang balita tungkol kina Harris at Gonzales ilang araw matapos magbigay ng update sa The Sun ang collaborator at kaibigan ni Harris na si John Newman tungkol sa relationship status ng DJ. 

“He doesn’t need anybody,” ani Newman. “His emotions are so strong, he’s so strong minded.” (People.com)