Mga Laro Bukas

(Mall of Asia Arena)

8 n.u. -- NU vs UE (W)

10 n.u. -- DLSU vs FEU (W)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sinimulan ng perennial challenger Ateneo at Adamson ang kampanya sa UAAP Season 79 seniors basketball championship sa impresibong pamamaraan sa opening day nitong Linggo sa Smart-Araneta Coliseum.

Tila hindi nabago ang porma ng Blue Eagles sa pagkawala ng graduate na si Kiefer Ravena sa matikas na laro nina Aaron Black at Anton Asistio para pabagsakin ang University of Santo Tomas Tigers, 73-69.

Agaw-pansin naman si rookie Jerrick Ahanmisi sa impresibong 28 puntos para sandigan ng Falcons sa dominanteng 104-85 panalo kontra University of the Philippines Maroons.

Dikitan ang laban ng Ateneo at UST na nagresulta sa 13 pagtabla at 18 palitan ng bentahe. Ratsada ang Blue Eagles sa 19-6 run, sa pangunguna ni Asistio para mailayo ang iskor sa 71-57.

“A couple of guys stepped up for us including Anton,” pahayag ni Ateneo coach Sandy Arrespacochaga. “It was a good game because we played unselfish,” aniya.

Nanguna si Black sa naiskor na 23 puntos at pitong rebound, habang kumana si Thirdy Ravena ng 17 puntos at 11 rebound.

Ipinamalas ni Ahanmisi, nakababatang kapatid ni Rain or Shine guard Maverick Ahanmisi, ang anim na three-pointer sa kanyang unang sabak sa pamosong collegiate league.

Matibay din ang depensa ni Ahanmisi para pigilan ang huling ratsada ng Maroons at ibigay ang unang panalo sa pangangasiwa ni coach Franz Pumaren.

Isinalansan ni Ahanmisi ang 13 sa kanyang 28 puntos na output sa third quarter upang pangunahan ang Falcons sa pagposte ng 71-52 kalamangan.

Ngunit di naman agad sumuko ang Fighting Maroons at sinikap pang humabol hanggang sa naibaba ang kalamangan sa anim na puntos,77-83.

Isinara ng Falcons ang laro sa pamamagitan ng 21-8 run upang maangkin ang tagumpay.

Iskor:

(Unang laro)

ADAMSON (104) – Ahanmisi 28, Manalang 16, Ochea 13, Sarr 13, Mustre 9, Manganti 8, Tungcab 6, Pasturan 6, Ng 4, Paranada 1, Camacho 0

UP (83) – Desiderio 24, Manuel 15, Moralde 12, Asilum 11, Vito 7, Webb 5, Harris 5, Gomez de Liano 2, Romero 2, Lao 2, Dario 0, Lim 0, Prado 0, Jaboneta 0, Longa 0

Quarterscores:

28-18, 46-38, 73-57, 104-85

(Ikalawang laro)

ATENEO (73) – Black 23, Ravena 17, Nieto Mi 7, Asistio 6, Wong 5, Mendoza 5, Babilonia 4, Tolentino 2, Go 2, Nieto Ma 2, Ikeh 0, Porter 0, Verano 0

UST (69) – Vigil 21, Macasaet 12, Bonleon 9, Lao 8, Basibas 7, Faundo 6, Subido 2, Afoakwah 2, De Guzman 2, Sheriff 0, Lee 0, Arana 0, Huang 0

Quarterscores:

14-17, 34-34, 52-51, 73-69 (Marivic Awitan)