ACAPULCO (AFP) – Sinira ng mga baha at landslide na dulot ng masamang panahon ang 70 kabahayan at eskuwelahan at halos 200 katao ang naipit sa bayan ng Acapulco, Mexico, sinabi ng mga awtoridad nitong Linggo.
Dahil sa walang humpay na ulan simula noong Sabado ay nagpulasan ang 33 malalaking bato sa mga interstate highway at sa Ayutla-Cruz Grande federal highway, ayon sa mga awtoridad ng Guerrero state. Dalawang kalsada sa central Acapulco ang gumuho, at nahulog ang dalawang sasakyan na ikinasugat ng tatlong pasahero. Nagpadala na ang estado ng Mexican army sa ilalim ng disaster plan.