Pinasinayaan ng mga opisyal ng Federation International des Volleyball (FIVB) at Asian Volleyball Confederation (AVC) nitong Linggo ang training center ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) na nasa loob ng Arellano University Gym sa Taft Avenue, Manila.

Mismong sina FIVB Honorary Life President at AVC-AWCC president Jizhong Wei ng China, FIVB Executive Vice-President Mr. Essa Hamza Ahmad Al FAilakawi ng Kuwait, at dating AVC secretary general at Thailand, Volleyball Association Honorary President at AVC Sports Events chairman, Shanrit Wongprasert ang dumalo kasama sina LVPI president Jose “Joey” Romasanta at vice-president Peter Cayco.

Sinabi ni Romasanta na kabilang sa bagong training center ang makabago at mamahaling taraflex flooring na magagamit ng iba’t ibang stakeholders ng volleyball sa bansa.

“With the unprecedented popularity of volleyball now, we are looking towards to improve our ranking, form the national team not just for international competition but to tour around the country” pahayag ni Romasanta.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang flooring o espesyal na taraflex na ginagamit sa mga laro ng volleyball ay ilan lamang naman umano sa mga bagong labas na produkto na aprubado ng FIVB at AVC at ipinakilala kamakailan lamang sa pagsasagawa ng World Grand Prix.

“It is the tri-color or iyung iba ang kulay ng attack line sa back row tapos iba din iyung sidelines,” sabi ni Romasanta.

“I think the flooring was sort of very few materials around and we are very lucky enough to have one, and will be available for all the stakeholders,” aniya.

Idinagdag pa ni Romasanta na binuo na rin ang Referees at Coaches Commission habang itinalaga nito ang National Pool kay Dr. Benjamin Espiritu. (Angie Oredo)