Laro Ngayon
(Bishkek, Kyrgyzstan)
10:30 n.g. -- Kyrgyzstan vs Philippines
Tatlong star player ng Philippine Azkals ang hindi makalalaro sa pagsabak kontra Kyrgyzstan ngayong gabi sa friendly match sa lungsod ng Bishkek.
Kapwa nagtamo ng injury sina Patrick Reichelt at Simone Rota, habang nagpaalam si Stephan Schrock na hindi lalaro bunsod nang personal na dahilan.
Nakatakda ang laro ganap na 10:30 ng gabi.
Nagtamo si Reichelt ng ACL injury sa laro ng Ceres-La Salle sa Singapore Cup semifinals kamakailan, habang si Rota ay may iniinda ring pananakit sa paa.
Sa pagkawala ng tatlo, nakatuon ang play ni coach Thomas Dooley kina Misagh Bahadoran, Manny Ott, Phil Younghusband, Neil Etheridge, Daisuke Sato at Amani Aguinaldo.
Nakatakdang sumabak ang Azkals sa dalawang friendly game bago ang Suzuki Cup, ngunit umatras ang Turkmenistan na bumisita sa bansa dulot ng injury sa mga player. (Jonas Terado)