Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- Lyceum vs Arellano

2 n.h. -- San Beda vs JRU

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

4 n.h. -- Perpetual vs Letran

Patatagin ang kapit sa top two spots ang tatangkain ng mga nangungunang San Beda College, University of Perpetual Help at Arellano University sa pagsalang sa nakatakdang triple bill ngayong hapon sa second round ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Kasalukuyang nasa solong pamumuno ang Red Lions taglay ang barahang 11-3, may isang panalong agwat sa Altas at Chiefs na magkasalo sa second spot hawak ang parehas na barahang 10-3.

Makakasagupa ng Red Lions ang Jose Rizal University na hangad namang buhayin ang tsansang makasingit sa pang- apat at huling Final Four berth sa ikalawang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Naghahangad ding makahabol sa huling Final Four slot ang defending champion Letran na siyang makakalaban ng Altas sa ikatlong laro ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos sa pambungad na laban sa 12:00 ng tanghali ang Lyceum of the Philippines at Arellano Chiefs.

Magtatangka ang Red Lions na bumalikwas mula sa kabiguang natamo sa kamay ng Mapua sa nakaraan nilang laban.

Muling masusubok ang tatag ng Red Lions sa shaded area na nagkaroon ng malaking butas sa pagkawala ni Donald Tankoua dahil sa injury sa pagsabak nila sa Heavy Bombers na patuloy namang nakakakuha ng solidong performance mula sa kanilang big man na si Abdel Potouchi.

Hawak ang barahang 8-6, mahalaga ang bawat laro sa JRU na naiiwan ng isang laro ng Mapua na may kartang 8-5.

Maliit naman ang tsansa para sa Knights na may markang 7-7.

Sa unang laro, may gahibla pang tsansa sa Final Four ang Pirates na kailangang mawalis ang nalalabing tatlong laro upang makapuwersa ng playoff sa huling slot. (Marivic Awitan)