Anim na lalawigan sa Luzon ang posibleng makaranas ng flashfloods at landslides bunsod na rin ng southwest monsoon.

Sa inilabas na impormasyon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa mga lugar ang Zambales, Bataan, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ayon sa PAGASA, ang naturang low pressure area (LPA) na namataan sa layong 430 kilometro silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes, ay inaasahang magpapaigting sa habagat.

Makararanas naman ng thunderstorm ang Metro Manila at mga karatig-lugar nito sa susunod na mga araw. (Rommel Tabbad)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon