Inihayag kahapon ng Department of Health (DoH) na isang babae mula sa Iloilo ang tinamaan ng Zika virus, dahilan upang umakyat na sa 6 na kaso ang naitala sa bansa.

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo na ang babae na nag-eedad 40s, ay nagpositibo sa Zika infection matapos ang initial at confirmatory tests sa ihi at dugo nito.

“Alam ko mas accurate daw kasi ang urine. So I think the urine was the first one that turned positive. Pero parang iyong follow up confirmation also included the blood. Hindi ako masyadong sigurado. What I know is that confirmed Zika,” ani Bayugo.

Ang Zika virus, vector-borne disease na sanhi ng flavivirus, ay naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na nagdadala rin ng dengue.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Unang naitala ang Zika virus sa bansa noong 2012 sa isang 15-anyos na lalaki sa Cebu City.

“Pang-anim. Na-confirm based on laboratory examination. Not necessarily inside the country but they came from the country tapos may symptoms na nakita. Tapos when they examined abroad. It turned out positive iyong kanilang examination for Zika. That’s why we included them as among the cases,” dagdag ni Bayugo.

(Charina Clarisse L. Echaluce at Mary Ann Santiago)