LAUR, Nueva Ecija - Apat na katao ang napatay habang isa naman ang sugatan sa pamamaril ng mga hindi kilalang armadong lalaki sa Sitio Minalkot, Barangay San Isidro, noong Sabado ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 2:30 ng hapon, nagtatayo ng kubo sa nasabing farmland ang mga biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng 5.56 rifles at ilang beses pinagbabaril ang mga biktima.

Sa ulat ni Senior Insp. Baltazar Corpuz, hepe ng Laur Police, nakilala ang mga nasawi na sina Eligio Barbado y Salvatierra, 43; Gaudencio Bagalay y Morales, 59; Emerenciana Dela Rosa, 58; at Violeta Mercado y De Leon, 57; habang sugatan naman si Angelita Milan y Yasay, 53 anyos. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar