ISULAN, Sultan Kudarat – Tiniyak ng awtoridad ang pinaigting pang seguridad para sa idaraos na dalawang malaking kapistahan sa Sultan Kudarat, kasunod ng pambobomba sa Davao City nitong Biyernes.

Karaniwan nang dinadayo ang taunang “Talakudong Festival” ng Tacurong City, na idaraos sa Setyembre 18, gayundin ang “Kalimudan Festival” ng lalawigan tuwing Nobyembre.

Sinabi ni Tacurong City Police chief Supt. Ranie Hachuela na naisumite na nila kay Mayor Lina Montilla ang security plans para sa Talakudong Festival, at nanawagan sa publiko na agad na ipagbigay-alam sa pulisya ang mga kahina-hinalang tao o pagkilos upang masiguro ang kaligtasan ng mga makikisaya sa kapistahan.

Pinayuhan din ni Lt. Col. Ricky Bunayog, commander ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army, ang publiko na maging mapagmatyag kahit nilinaw niyang walang banta sa lalawigan, bagamat inamin niyang pinalawak pa ng militar ang pagkalap ng intelligence reports laban sa posibilidad ng terorismo. (Leo P. Diaz)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar