Pinaalalahanan kahapon ng isang anti-toxic watch group ang mga magulang na maging mapagbantay laban sa mga Pokemon toys na sikat na sikat ngayon, matapos matuklasang ilan sa mga ito ay choking hazard o nanganganib na malunok ng mga bata, at nagtataglay ng kemikal na lead, na nakapipinsala ng utak.

Ang paalala ay ginawa ni Thony Dizon, coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition, matapos na isailalim sa pre-Christmas screening ang may 225 plastic Pokemon figures, na nabili nila mula Agosto 29-31 sa mga toy vendors sa Chinatown at Divisoria sa Maynila, gayundin sa labas ng mga public elementary schools sa Makati at Quezon City, sa halagang P5 lamang.

Sa mga nasabing sample, 38 ang natuklasang may taglay na lead na nakapipinsala sa utak, lalo na sa mga bata.

(Mary Ann Santiago)

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA