KUALA LUMPUR – Agaw-pansin si Pinay April Osenio ng Baguio City sa impresibong panalo sa women’s undercard ng ONE:

UNBREAKABLE WARRIORS tampok ang duwelo nina Malaysian-Kiwi sensation Ev ‘ET” Ting at Australian Rob ‘Ruthless’ Lisita kahapon sa Stadium Negara sa Malaysia.

Naitala ng 22-anyos na si Osenio ang first round win kontra Malaysian top female fighter Ann “Athena” Osman sa kanilang three-round women’s strawweight bout.

Matikas na nagpalitan ng suntok sina Osenio at Osman bago nakakuha ng tyempo ang Pinay at kaagad na pinilipit ang karibal para maitala ang Guillotine Choke win.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tulad nang inaasahan, punong-puno ng aksiyon ang laban nina Ting at Lisita at sa harap nang nagbubunying home crowd nagawang magapi ng lokal hero ang Australian fighter.

“I want a title shot guys, let’s go! Rally for me! I want that strap! Peace out, title shot, warrior spirit. What more do you want?” sambit ni Ting sa post-fight interview.

Sinundan ni Rene Catalan ang tagumpay ni Osenio nang gapiin si Zhang You Liang ng China via unanimous decision sa kanilang three-round strawweight contest.