US Open Tennis

NEW YORK (AP) — Bawat set, kaakibat ang sakit sa kanang siko ni Novak Djokovic. Sa kabila nang abang kalagayan, nagawa niyang maisalba ang laban kontra Kyle Edmund ng Britain, 6-2, 6-1, 6-4, nitong Linggo (Lunes sa Manila) para makausad sa US Open quarterfinals sa ika-10 sunod na taon.

Nagawang makontrol ni Djokovic ang tempo ng laro, sa kabila nang pahirapang laro sa nakalipas na limang araw at patatagin ang kampanya na maidepensa ang korona.

"Obviously I haven't played too much tennis. So I'm really glad to be back," pahayag ni Djokovic.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"I thought I came out, really, from the blocks very good, playing with a high intensity."

Hindi naman nakasabay si Grand Slam champion Rafael Nadal ng Spain sa suwerte ni Djokovic nang masilat ng No.24 seed na si Lucas Pouille ng France, 6-1, 2-6, 6-4, 3-6, 7-6 (6).

Bunsod ng kabiguan, nahila ng 14-time Grand Slam title winner ang losing skid na makausad sa quarterfinal sa major tournaments.

"Every point was great," pahayag ni Pouille.

Sa women’s action, naitala ni Latvian tennis player Anastasija Sevastova ang ikalawang upset win nang pabagsakin si No.13 seeded Johanna Konta, 6-4, 7-5, upang tanghaling kauna-unahang Latvian woman na makausad sa final eight ng Grand Slam.

Huling nakagawa nito para sa Latvia si Larisa Savchenko noong 1994.

"I still cannot believe it," aniya.

"Mentally I'm spent. Totally spent. But it's amazing."

Ginapi naman ni second-seeded Angelique Kerber si two-time Wimbledon champion Petra Kvitova, 6-3, 7-5, para makausad sa US Open quarterfinals sa kauna-unahang pagkakaton mula noong 2011.

Makakaharap ni Kerber sa tinaguriang ‘battle of left-hander’ si last year's runner-up Roberta Vinci.

Nakausad din si Caroline Wozniacki nang pabagsakin si eighth-seeded American Madison Keys, 6-3, 6-4.