Moscow (AFP) – Isang Russian blogger ang kinasuhan ng panghihikayat ng galit at pag-insulto sa religious sensibilities matapos kunan ng video ang sarili na naglalaro ng Pokemon Go sa Yekaterinberg cathedral.

Idedetine ng dalawang buwan si Ruslan Sokolovski, inihayag ng investigative committee noong Sabado, at maaaring maharap sa limang taong pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala.

Noong Agosto 11, naglabas si Sokolovski ng video sa YouTube na nagpapakita sa kanyang naglalaro ng Pokemon Go sa kanyang iPhone sa loob ng Church of All Saints sa Yekaterinburg.

“How can one offend by entering a church with a smartphone?” aniya.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina