“What kind of monster have you become?”

Ito ang naitanong ni Tourism Undersecretary Kat de Castro na naging viral sa Facebook, para sa mga nang-aasar sa lokal na pamahalaan ng Davao City kasunod ng pambobomba sa abalang night market ng siyudad na ikinamatay ng 14 na katao at ikinasugat ng 71 iba pa nitong Biyernes ng gabi.

“You pray for France, for Syria and for whatever. But when it comes to your own countrymen, you say ‘buti nga.’ Ask yourselves, what kind of monster have you become?” saad sa Facebook post ni De Castro, iginiit na suporta ang kailangan ngayon ng mga taga-Davao.

Naging viral ang nasabing post ni De Castro; umani ito ng mahigit 39,000 reaksiyon at mahigit 15,000 shares sa Facebook, habang sinusulat ang balitang ito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The President has only declared State of Lawlessness. Yet some people react as if he just declared Martial Law. Oh man, even in the midst of tragedy, your hatred for the President knows no boundaries. In his efforts to make our country a better place to live in, Davao City is paying the price. Dabawenyos need your comfort. Not criticisms,” sabi pa ni De Castro.

Sa isang hiwalay na post, pinaalalahanan din ni De Castro ang mga nang-uuyam sa Davao City government na laging sumasaklolo ang siyudad sa iba pang mga lugar sa bansa sa panahon ng krisis.

“Davao City has always been there for other cities during times of tragedy. Yolanda, Kidapawan, you name it, tumulong sila. Yet some sick heads are laughing and even saying ‘karma yan!’ Excuse me, pero mas naniniwala ako na those who laugh at the expense of innocent lives who perished…kayo po ang kakarmahin,” aniya.

MAGPAKATATAG

Kasabay nito, pinayuhan ni Davao City Archbishop Romulo Valles ang mamamayan ng lungsod na manatiling matatag at nananampalataya sa Diyos, nang pangunahan niya ang memorial mass para sa mga biktima sa mismong blast site, nitong Sabado ng gabi.

“Last night, evil came. Barbaric. Very inhuman. Pure innocent lives were lost,” bahagi ng homiliya ng arsobispo. “We can and we must be strong. There are many faiths in Davao. We bring ourselves to the Lord.”

(Charina Clarisse Echaluce at Mary Ann Santiago)