LONDON (AFP) – Isang malaking replica ng 17th century London na gawa sa kahoy ang sinunog noong Linggo sa River Thames upang markahan ang 350th anniversary ng Great Fire of London, na nagbigay-daan sa pagtayo ng modernong lungsod.

Nagtipon ang mga tao sa pampang ng ilog na dumadaloy sa buong British capital upang panoorin ang pagsindi sa 394-talampakang haba ng kahoy na modelo ng lumang lungsod na nakalutang sa tubig. Isinagawa ito ng US “burn artist” na si David Best at live na napanood online.

Nagsimula ang Great Fire sa panaderya ni Thomas Farrinor sa Pudding Lane noong Setyembre 2, 1666 at tumagal hanggang Setyembre 5, sinira ang 80 porsiyento ng karamihan ay gawa sa kahoy na walled city.

Tinatayang 70,000 ng 80,000 residente ang nawalan ng tirahan sa sakuna. Nang lubusang maapula ang sunog, may kabuuang 13,200 bahay, 87 simbahan at ang Saint Paul’s Cathedral ang natupok.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina