Mga laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena)
8 n.u. -- NU vs UE (W)
10 n.u. -- DLSU vs FEU (W)
Balik-Ateneo si coach John Flores, balik din sa matikas na simula ang Lady Eagles.
Maagang nagparamdam nang hangaring madagit ang kampeonato ang Ateneo sa matikas na 66-57 panalo kontra University of Santo Tomas kahapon sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament, sa Smart Araneta Coliseum.
Kumana nang pinagsamang 24 na puntos sina Trina Guytingco at Jonette Uy De Ong para sa Ateneo.
Pinangasiwaan ni Flores ang Ateneo noong 2005 hanggang 2007 bago nailipat ang responsibilidad kay Erika Dy, ngayo’y naluklok bilang kinatawan ng unibersidad sa UAAP Board.
“Sa amin na lang ‘yun. We talked about it during team-building and we want to keep it within the team,” pahayag ni Flores.
Nabigo naman si dating National coach Haydee Ong sa kanyang debut game sa UST na pinangunahan nina Bettina Penaflor at Shanda Anies sa Tigresses sa naiskor na 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Matikas naman ang unang sabak ni coach Mike Fermin sa Adamson University sa naitarak na 66-61 panalo kontra University of the Philippines.
Nagsalansan si Kaye Pingol ng 12 puntos, habang kumana si Jamie Alcoy ng 11 puntos sa Lady Falcons.
Pinalitan ni Fermin, dating coach ng men’s basketball team, si coach Emilia Vega.
Kumubra si Patricia Pesquera ng 19 na puntos at 11 rebound, habang nag-ambag si Ma. Antonia Wong ng 14 na puntos para sa Lady Maroons.
Iskor:
(Unang laro)
ADAMSON (66) – Pingol 12, Alcoy 11, Lacson 10, Prado 7, Araja 5, Aciro 4, Osano 3, Razalo 3, Cacho 3, Tacitac 2, Dampios 2, Camacho 2, Rosario 2, Cabug 0
UP (61) – Pesquera 19, Wong 14, Aliermo 7, Esplana 6, Bautista 5, Medina 4, Ordoveza 2, Cruz 2, Lapid 2, Rodas 0, Gatpatan 0, Villanueva 0
Quarterscores: 18-10, 36-26, 48-39, 66-61
(Ikalawang laro)
ATENEO (65) – Guytingco 12, Uy De Ong 12, Tomita 9, Deacon 9, Yam 8, Cancio 8, Villamor 4, Go 3, Newsome 0.
UST (57) Peñaflor 16, Anies 15, Felisarta 8, Portillo 7, Angeles 4, Gandalla 3, Larosa 2, Jerez 2, Rivera 0, Manuel 0, Magdaluyo 0, Aujero 0, Capalit 0.
Quarterscores: 21-17, 38-28, 50-40, 65-57.