CARRANGLAN, Nueva Ecija - Hindi na nakapalag sa mga pulis ang isang barangay kagawad na wanted bilang pangunahing drug personality sa bayang ito at tuluyang nadakip sa ikinasang manhunt operation laban sa kanya sa Barangay Luna, nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ni Senior Insp. Adriano Alfonso Jr., OIC ng Carranglan Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office Director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, nakilala ang nasakote na si Augusto Baltazar y Caraang, kagawad ng Bgy. Luna at akusado sa pag-iingat ng droga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar