Setyembre 5, 1862 nang maitala nina Dr. Henry Tracey Coxwell at James Glaisher ang panibagong record nang marating ang 11,000 meter above sea level sa pamamagitan ng isang hot air balloon.
Idinesenyo ang flight para mai-record ang temperatura ng atmosphere, ngunit ikinaaliw ito ng mga manonood. Bitbit nina Coxwell at Glaisher ang iba’t ibang uri ng instrumento.
Binasag ng dalawa ang record na 8,000 meter above sea level, 30 minuto bago ang kanilang paglipad, ngunit sila’y ay nakaranas ng hirap sa paghinga habang sila’y papataas nang papataas.
Nanigas ang mga kamay at paa ng dalawa sa loob ng 47 minuto ng paglalakbay, at naging unconscious si Glaisher ng mahigit pitong minuto.
Ang balloon ni Coxwell ay may taas na 80 talampakan, at may lapad na 55 talampakan.