Napatay matapos umanong manlaban ang dating barangay tanod, sinasabing sinibak sa trabaho dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga, sa ikinasang anti-drug operations sa Binondo, Manila, kamakalawa ng hapon.

Napatay ng mga pulis si Tirso Halaba, 44, sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Estero de Magdalena, sa 815 G. Masangkay Street, Binondo.

Ayon kay Police chief Insp. Leandro Gutierrez, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs -Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ng Manila Police District (MPD)-Station 11 (Meisic), ikinasa nila anti-drug operation nang makatanggap ng tip na ginagawang drug den ang bahay ni Halaba.

Nanlaban umano si Halaba habang inaaresto kaya napilitan umano ang mga pulis na siya’y pagbabarilin.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

(Mary Ann Santiago)