TULAD noong nakaraang buwan, mas maraming programa muli ng GMA Network ang napabilang sa listahan ng top programs sa Urban Luzon, base sa data ng Nielsen TV Audience Measurement.

Una sa listahan ng mga Kapuso program na kasama sa top 10 ang GMA telefantasya na Encantadia. Pasok din ang Magpakailanman,Kapuso Mo, Jessica Soho, Descendants of the Sun, Pepito Manaloto, at 24 Oras.

Hindi naman nagpahuli ang 24 Oras Weekend, Ismol Family, Sunday PinaSaya, Hay Bahay!, Eat Bulaga, Juan Happy Love Story, Imbestigador, Lip Sync Battle Philippines, Wowowin, Karelasyon, at Bubble Gang na pawang nakapagtala rin ng mataas na ratings.

Nanatili ring number one ang GMA sa total day ratings at lahat ng dayparts sa Urban Luzon dahil sa nakuha nitong 40.4 percent household audience share, mas mataas ng 7-points sa 33.4 percent ng ABS-CBN at ng 34.1 points sa 6.3 percent ng TV5.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang Urban Luzon ay kumakatawan sa 77 percent ng kabuuan ng urban TV households sa bansa.

Kasabay ng patuloy na pamamayagpag ng GMA sa telebisyon, muling nakamit ng GMA Network Portal (www.gmanetwork.com) ang pinakamaraming bilang ng pageviews sa lahat ng local website dito sa bansa noong nakaraang Hulyo. Umabot ng mahigit 202 million pageviews ang naitala ng GMA Portal, mas mataas sa 184 million ng ABS-CBN.