BATANGAS CITY - Patay ang isang dalaga, na umano’y kabilang sa drug watchlist, matapos barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek sa Batangas City.

Kinilala ang biktimang si Zandrina Panganiban, 24, ng Barangay San Jose Sico sa lungsod na ito.

Ayon sa report ni SPO1 Paulino Eje, dakong 3:00 ng hapon nitong Biyernes, nasa bahay ng isang Nancy Biacora si Panganiban nang barilin siya ng suspek sa nasabing barangay bago tumakas sakay sa motorsiklo. (Lyka Manalo)
Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City