SUMAILALIM sa voluntary drug test si Baron Geisler at masayang nag-share sa social media ng negative result nito.
Para kumpleto ang ebidensiya, nag-post din si Baron ng pictures na hawak ang drug test kit.
“Thanks to Kowboy for bringing a drug test kit. #QuickProfile. I tested negative by the way, I know everyone is wondering about me, I’m fine and good. I think this is a great idea for everyone to have, just in case anyone is accused on line or by the police.”
Nakakatuwa at nakakatawa ang comments na nabasa namin sa ginawang voluntary drug test ni Baron. May nagsabing hindi naman talaga droga ang bisyo niya kundi alak na wish nilang itigil na rin ni Baron for a healthier life.
May nagtanong naman kung bakit nagmamadali ang celebrities na magpa-drug test. Takot daw ba ang celebrities na baka mapasama ang pangalan nila sa listahan na ilang linggo nang pinag-uusapang ilalabas?
May nag-suggest kay Baron na para mas paniwalaan ang resulta ng kanyang drug test, magpunta siya sa PNP o kaya’y sa NBI.
Si Luis Manzano, sa PNP nagpa-drug test at si Patrick Garcia ay sa NBI. May mga negative comments at nang-ookray pa, kaya sumagot si Baron.
“Can’t understand why there’s so much negative vibes about the drug test photo that I posted.
“Just to make it clear, that was just a spur-of-the-moment thing that we decided to do yesterday during a shooting break with my co-star Kowboy Santos, who also happens to be a really talented actor, aside from being such an awesome rock and blues musician.
“We’re not making any claims here. Neither are we making any statements.
“Unlike what other netizens are insinuating, this isn’t supposed to be a challenge to our fellow celebrities.
“If any of them feel inspired to do the same, then by all means, they have all the right to do so.
“So please stop the hate.”
Samantala, sunud-sunod ang guesting ni Baron Geisler sa shows ng GMA-7. Una siyang napanood sa Bubble Gang, sinundan ng guesting niya sa Karelasyon at nitong huli, sa Wish Ko Lang naman. (NITZ MIRALLES)