“Magbreed ngayon, lumaban sa June, July o August.”

Ito ang panawagan nina Joey Sy, Eddie Boy Ochoa at Edwin Saliba – nangangasiwa sa sikat na sabong show Bakbakan Na – para sa mga nagnanais na sumabak sa Bakbakan Na TV Cup.

Ang ideya nang isang BNTV Cup ay nabuo dahil sa tagumpay ng DMG Cup (Davao Matina Gallera Cup) at A-Cup (Arthur Uy Cup) na dalawa sa taunang stags circuit sa Mindanao, partikular sa Davao.

Ang halos perpektong walang-bagyo na klima sa Mindanao ay nagbibigay-daan sa mga nagpapalahi ng manok-panabong sa rehiyon na makapag-breed sa buong taon, pati na sa mga buwan na tinataguriang off-season sa ibang bahagi ng bansa, kabilang ang buwan ng Agosto, Setyembre at Oktubre.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

“Ang layunin ay mag-breed sa mga buwan ng Agosto – Oktubre upang makapagpapisa mula Setyembre hanggang Oktubre. Ang mga sisiw na ito ay tamang-tama nang ilaban sa susunod na taon sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto na panahon naman kung kailan lugon ang mga matatandang tinale at ang malaking bilang ng mga sabungan sa Pilipinas ay halos sarado dahil sa kawalan ng naglalaban.

“Iyan ang kawalan na nais natin mapunuan,” pahayag ni Sy.

Ang Luzon-wide na wing-banding ay gaganapin sa Enero 3-17, 2017 sa mga piling sabungan sa Luzon sa maliit na halaga na P10 kada sisiw.

Lahat ng interesadong lumaban ay kinakailang mag-text ng kanilang pangalan, address, contact number at sabungan sa kanilang lugar na nais nilang maglaban. Ang BNTV hotlines ay Globe (09273109658) at Smart (0920-5879705).