BUTUAN CITY – May lakas na magnitude 5.7 ang lindol na yumanig kahapon ng umaga sa isang bayan sa Agusan del Sur, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Agad namang pinakilos ni Gov. Adolph Edward G. Plaza ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) upang alamin ang sitwasyon ng mga residente, partikular ang nasa epicenter ng lindol sa bayan ng La Paz.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang tectonic na pagyanig dakong 10:38 ng umaga may anim na kilometro sa hilaga-silangan ng La Paz at may lalim na 11 kilometro.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa Butuan City, intensity 2 sa Cagayan de Oro City, at intensity 1 sa Kidapawan City, Surigao City, Bislig City at Sarangani, ayon sa Phivolcs. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito