Nais ng partylist lawmaker na ipagbawal ang paglalagay ng malaswang billboards sa mga pangunahing lansangan, kung saan hanggang anim na taong pagkabilanggo ang pinakamabigat na parusang ipapataw sa mga responsable dito.

Sa House Bill 1476 ni AANGAT TAYO partylist Rep. Neil J. Abayon III, sinabi nitong “this bill wishes to arrest the seemingly unrestrained influx of obscene pictures along the country’s major thoroughfares. And by doing this, the general welfare of the populace is indeed protected and enriched.”

Kabilang sa mga ibabawal ang malaswang larawan, distractive pictures, kumikilos o ‘still moving’. Una nang target ang mga larawang walang ‘serious literacy’, hindi artistic at walang political o scientific value.

Sa mga unang lalabag, pagmumultahin ng P50,000 hanggang 70,000 at sususpendihin ang advertising permit at lisensya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagmumulta naman ng hanggang P80,000 at dalawang buwang suspensyon ng lisensya sa ikalawang paglabag. Sa ikatlong paglabag, hanggang P100,000 na multa at pagkakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon ang parusa.

(Charissa M. Luci)