CAPAS, Tarlac - Nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang apat na katao makaraang magkasalpukan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa Manila North Road sa Barangay Dolores, Capas, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Aladin Ao-as ang mga biktimang sina Gerald Taruc, 18, driver ng tricycle (AA-5525); Joshua Dacallios, nasa hustong gulang, ng Bgy. Talaga; at Joel Gattoc, 22, ng Bgy. Dolores, Capas.

Sugatan din ang driver ng Honda motorcycle (NZ-3414) na si Gilbert Pasion, nasa hustong gulang, ng Bgy. Dolores, Capas, Tarlac.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:30 ng gabi nitong Biyernes at patungo ang tricycle sa bayan ng Capas nang makasalpukan ang kasalubong na motorsiklo ni Pasion, nakalas pa ang sidecar ng tricycle at tumilapon ang mga biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)