SEOUL (AFP) – Pumasok sa Air Defense Identification Zone ng Japan ang mga missile na pinakawalan ng North Korea kahapon.

Tatlong ballistic missile ang pinakawalan ng NoKor mula sa silangan ng bansa nitong Lunes upang iparamdam ang puwersa nito sa mga lider ng mundo na nagtitipon sa G20 summit sa China.

Sinabi ng South Korean defense ministry na bumagsak ang mga missile sa Sea of Japan (East Sea) mula sa Hwangju county ng North dakong 0300 GMT.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline