030916_BatoDVOExplosion_Cruz-1 copy

Ipinanghina naman ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga report na nagsasabing gobyerno ang nasa likod ng pagsabog sa Davao City.

“We have enough heartaches already. Naka-ilang bomba na kami diyan [sa Davao City]. Ramdam namin ang sakit…kung ikaw ang nabomba, tapos ia-accuse pa sa government,” ayon kay Dela Rosa sa press briefing sa Camp Crame.

Sinabi ni Dela Rosa na target ang Davao City dahil alam ng mga kalaban ng gobyerno na mahal niya at ng Pangulo ang kanilang lugar.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Mahal na mahal namin ang aming lugar. Nagha-hard labor kami ng husto para ma-achieve ang status ng Davao, ngayon tapos yuyurakan lang ng mga terorista,” ayon pa kay Dela Rosa.

Nanawagan si Dela Rosa sa mga kritiko na makiisa na lang sa pamahalaan sa panahon ng krisis.

“Tumulong na lang sila sana, huwag na lang silang mag-question,” ayon sa PNP chief.

Minaliit din ni Dela Rosa ang pahayag na may failure of intelligence kapag naganap ang pagsabog. Sinabi nito na kapag may terorismong nagaganap, ang Intelligence ang laging ginagarote.

“Kapag may sumabog, Intelligence has to be blamed. But then again, kahit ang pinakamatinding intelligence agency [tulad ng Central Intelligence Agency ng Amerika] na very well-funded, nalulusutan sila. What more ang Intelligence ng Armed Forces of the Philippines at PNP?” ani Dela Rosa.