Mga laro ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
8 am UP vs. Adamson (w)
10 am UST vs. Ateneo (w)
2 pm UP vs. Adamson (m)
4 pm UST vs. Ateneo (m)
Sasambulat na ang pinakaaabangang giyera ng pangunahing unibersidad sa bansa sa loob ng hardcourt sa paghaharap ng apat na koponan ngayong hapon sa UAAP season 79 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Magsisimula ang aksiyon sa pamamagitan ng salpukan ng University of the Philippines at. Adamson ganap na 2:00 ng hapon matapos ang makulay at hiwalay na opening rites na idinaos sa Plaza Mayor sa loob ng campus ng season host University of Santo Tomas kahapon.
Sasambulat na ang pinakaaabangang giyera ng pangunahing unibersidad sa bansa sa loob ng hardcourt sa paghaharap ng apat na koponan ngayong hapon sa UAAP season 79 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Susundan ito ng tampok na laban sa pagitan ng host UST at Ateneo sa ganap na 4:00 ng hapon.
Pilit iwawaksi ang limang taong pagkaunsiyami sa titulo, matinding pressure na makamit muli ang inaasam na titulo ang kinakaharap ngayon ng Tigers lalo pa’t mataas ang ekspektasyon sa kanila bilang host sa taong ito.
May tatlong buwan lamang nakapaghanda ang koponan kasunod sa naging problema sa nakalipas na pre-season na naging dahilan ng kanilang pagpapalit ng coach. Kaya naman umaasa ang bagong coach na si Rodil Zablan na magiging epektibo at matibay na sandigan ng kanilang kampanya ang teamwork.
Upang maging kompetitibo ay binigyan ng kaukulang exposure ni Zablan lahat ng miyembro ng team partikular ang mga rookies upang mabuo ang kanilang kumpiyansa sa nakalipas na tatlong buwan.
Tiwala si Zablan na lahat ng kanyang players ay handa kada laban at alam ang kanilang responsibili dad anumang oras na hugutin sa bench kumpara sa mga nakalipas na taon kung saan may itinuturing ang koponan na “go-to-guy”.
Inaasahang mamumuno sa Tigers ang mga beteranong sina Louie Vigil at Marvin Lee at nagbabalik na sina Reggie Basibas at Renzo Subido.
Aasahan naman ng makakasagupa nito na Ateneo ang sipag at determinasyon ng kanilang mga players matapos na mawalan din ng mga key players tulad nina Kiefer Ravena at Von Pessumal.
“There are lots of question mark with our team,but what we have focused on is the attitude of our players,” sabi ni coach Sandy Arespacochaga, ang deputy ni head coach Tab Baldwin. “As long as we continue to see the hardwork, the fighting spirit,we’ re very happy with them,” dagdag nito.
Magsasagupa naman sa unang laro ang parehas na nasa ibaba noong nakaraang season UP Fighting Maroons at Adamson Falcons na kapwa maghahangad na mapaangat ngayong taon ang kanilang performance na kapwa pangunahing misyon ng kani- kanilang mga bagong coaches.
“Gusto kong malampasan namin yung pag-iisip na talunan tayo. Alam nilang kaya nilang manalo, kaya lang they don’t believe it,” sabi ng bagong UP coach na ikaanim ng koponan sa loob din ng nakalipas na anim na taon na si Bo Perasol.
“We’re definitely winning more games than last year.I’m confident to say that part of our modest goal is the Final Four,” sabi nito.
Nangako naman ang tropa ni coach Franz Pumaren na magpapamalas ng magandang laro ang Falcons.
“We just want these guys to go out there and play hard to the best of their ability,” sabi ni assistant coach Don Allado.”We’re looking to surprise other teams.” (Marivic Awitan)