ALIAGA, Nueva Ecija – Bumulagta ang isang umano’y kilabot na drug supplier matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng Aliaga Police, sa buy-bust operation sa Barangay Umangan sa bayang ito, nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Senior Insp. Randy Apolonio, ng Aliaga Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang nasawing supplier umano ng droga na si Arnold Macapagal, alyas “Jeff”, ng Bgy. Caalibangbangan na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na namatay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Rafaelito Gomez, nakatunog umano si Macapagal sa buy-bust kaya biglang pinaharurot ang kanyang skeletal Honda Wave motorcycle habang binabaril ang mga pulis, na gumanti naman ng putok. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar