PARARANGALAN ang grammy-winning singer na si Toni Braxton sa BMI R&B/Hip-Hop Awards sa Atlanta.

Tatanggap si Braxton ng BMI President’s Awards sa Huwebes para sa kanyang musical achievements. Kikilalanin sa pribadong event ang mga songwriter, producer, at publisher ng mga nangunang awitin sa iba’t ibang genre nitong mga nakalipas na taon.

Magsisilbing host ang actor-comedian na si Chris Tucker sa parangal, na gaganapin sa Atlanta sa unang pagkakataon sa 15-taon kasaysayan nito. Bubuksan ang show ng producer na si DJ Khaled at ng mga kaibigan niya.

Inilabas ni Braxton ang kanyang self-titled debut noong 1993 sa tulong nina L.A. Reid at Babyface, na inaasahang dadalo rin sa awards night. Nanalo si Braxton ng tatlong Grammy Awards kabilang ang best new artist ng nasabing album, na bumenta ng higit 8 million na kopya. Ang kanyang kasunod na album na Secrets ay naging eight-time platinum at nanalo rin ng dalawang Grammys. (AP)

Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue