Binaril sa ulo ng ‘di kilalang armado ang isang tindera habang naglalakad sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Teresita Enesio, 58, ng 45 Sta. Catalina Street, Grace Park, Caloocan City.

Sa report ni SPO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), kay MPD Director Police Sr. Supt. Joel Coronel, dakong 8:15 ng gabi nangyari ang pamamaril habang naglalakad ang biktima sa Carriedo St., malapit sa Estero Segudo, sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa mga saksi, una nilang narinig ang putok ng baril at nagulat nang biglang bumulagta ang biktima.

National

PBBM sa kapalaran ng ICI: 'They are really coming towards to the end!'

Ayon sa imbestigador, ilan sa mga anggulong tinitingnan nila sa ngayon ay “pautang” o “personal na galit” ang posibleng motibo sa pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Mary Ann Santiago)