KALIBO, Aklan - Naghahanda na ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa inaasahang pagtaas ng demand ng kuryente sa pagsimula ng “ber” months.
Ayon kay Rene Sison, head ng NGCP Systems Operations ng Panay, kabilang ang mga sakop nilang Iloilo, Aklan, Boracay, Antique at Roxas City sa may pinakamatataas na demand ng kuryente tuwing magpa-Pasko.
Dahil dito, inaasahang kukuha sila ng karagdagang supply sa mga power generating company sa Luzon para mapunan ang supply ng kuryente sa Visayas.
Sinabi ni Sison na sa Abril 2017 pa matatapos ang ilan sa malalaking proyekto ng NGCP para maging stable ang supply ng kuryente sa Panay, kaya naman nakararanas ng serye ng brownout sa isla. (Jun N. Aguirre)