Actor Mel Gibson arrives for the Los Ang

SOLD out agad sa IM Global ang Hacksaw Ridge na pinagbibidahan ni Andrew Garfield, na lumabas sa Venice Lido nitong Linggo. Ito ang unang pelikulang idinirehe ni Mel Gibson makalipas ang isang dekada, kasunod ng Apocalypto noong 2016.

Ilalabas ng Lionsgate ang pelikula sa Nobyembre 4 sa U.S., nakuha ang pinakamagandang petsa sa awards season.

Sa final sales, ibinigay ng IM Global ang lisensiya ng Hacksaw Ridge sa Lionsgate U.K. para sa U.K. at Elevation Picturespara sa Canada.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Part U.S-set drama, part WWII battlefield na epiko ng kabayanihan, ang Hacksaw Ridge ay halaw sa tunay na buhay ni Desmond Doss, isang conscientious objector na tumangging pumatay ng mga kalaban o magpaputok ng baril dahil sa kanyang religious beliefs. Isa siyang army volunteer at nagsilbing medic. Sa Battle of Okinawa, nagpaiwan siya nang umatras sa laban ang kanyang battalion, paulit-ulit na nakipagsapalaran sa kill zone upang masagip ang 75 sugatang sundalo. Tinawag ni Mel si Doss na “one of the greatest war heroes of all time.”

Ang Hacksaw Ridge ay tungkol sa pagpapanatili ng “values while trying to avoid conflict with other cultures and other values,” sabi ng IM Global founder-CEO na si Stuart Ford.

Pumila na ang ilan sa pinakamalalaking foreign distributors sa mundo — Latin America’s Sun Distribution, Germany’s Universum, Spain’s DeAPlaneta — para sa distribution rights ng pelikula.

Hawak ng sariling kumpanya ni Mel, ang Icon Films Distribution Australia, ang rights sa Australia, na naging location nang kunan ang Hacksaw Ridge.

 “We are locked and loaded on a global release on the movie throughout the rest of this year and the early parts of next,” ani Ford. (Variety)