Magbubukas na din ang National Collegiate Athletic Association-South (NCAA) ng kanilang ika- 18 season ngayong Setyembre 8 kung saan magsisilbing host ang First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH).

Isang makulay na seremonya ang inihanda ng host school na gagawin sa FAITH multi-purpose covered court sa Tanauan, Batangas kung saan magsisilbing host ang sportscaster na si Dyan Castillejo at inaasahang dadaluhan ng iba’t ibang opisyales ng kasaling unibersidad sa pamumuno ni Saturnino G. Belen, president ng FAITH at Season 18 policy board.

Ang theme ngayong taon ay ‘Let’s Keep the Flame Ablaze.’

Ang popular na “El Gamma Penumbra, na kilala bilang all-male, shadow play group at naging pinakaunang nagwagi sa unang season ng Asia’s Got Talent contest, ang magbibigay ng dalawang live entertainment number sa opening ceremony.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Igagawad din sa opening rites ang Season 17 overall champions De La Salle-Lipa at University of Perpetual Help System-Laguna ang kani-kanilang mga tropeo matapos tanghaling junior at senior division champions.

Umaasa din si FAITH managing director Juan Lozano na makakadiskubre ng mga bagong atleta sa torneo kasama sina MANCOM president Lito Arim (FAITH), at MANCOM members Steve Salazar (UPHS-L) at Christopher Quizon (University of Batangas).

Magsisimula naman ang aksiyon sa Setyembre 13 tampok ang limang larong labanan na pangunahin ang salpukan ng FAITH kontra an Pablo Colleges sa alas-8 ng umaga.

Sasagupain ng Emilio Aguinaldo College-Cavite ang Lyceum of the Philippines University-Batangas sa ganap na 10:00 ng umaga kasunod ang La Salle-Lipa kontra Colegio De San Juan De Letran-Calamba sa ganap na 12:00 ng tanghli.

Masasaksihan din ang tanging sagupaan ng mga kababaihan sa pagitan ng Lyceum at La Salle-Lipa sa ganap na 2:00 ng hapon bago ang University of Batangas at San Beda College-Alabang sa huling laro. (Angie Oredo)