CAMP DANGWA, Benguet – Kung kamay na bakal ang ginagamit ngayon ng gobyerno para sugpuin ang ilegal na droga sa bansa, pabor naman si Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na gawing legal ang medical marijuana.

“Kung aaprubahan ito sa Congress, no problem sa amin, at kung makakatulong ang mga ito bilang medisina ay marami ang gagaling na sakit,” sinabin ni Dela Rosa sa kanyang pagbisita nitong Biyernes sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera sa La Trinidad.

Matatandaan na dalawang taon na ang nakalipas nang nagsumite ng panukalang batas si Isabela Rep. Rodolfo Albano III para gawing legal na panlunas ang marijuana, pero hinarang ito ng ilang sektor dahil sa banta sa seguridad sa publiko at wala pa rin umanong kasiguruhan na nakagagamot nga ito ng sakit. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar