DINGDONG copy

NAGLABAS ng statement si GMA Network VP for Drama Redgie Acua-Magno tungkol sa controversy na rip-off ng US TV series na Arrow ang ilalabas nilang action drama na Alyas Robin Hood. 

Lumaki ang balita dahil may blog site na naglabas ng unofficial poster na inakala ng netizens na galing sa network ang poster.

Lalo pang lumaki ang isyu dahil may Filipino netizens na nagpadala kay Stephen Amell, ang American actor na bida ng Arrow ng teaser ng Alyas Robin Hood. Idagdag pa ang pagso-sorry ng ibang Pinoy kay Stephen Amell dahil daw ginaya ang Arrow at tinawag pang “thrash ang Philippine TV.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Ang Alyas Robin Hood ay malayo sa plot ng Arrow,” pahayag ng Kapuso executive. “Ito ay kuwento ng isang lower-middle class lawyer na napagbintangan ng isang krimeng hindi niya ginawa. Sa kanyang paghahanap sa katotohanan, may mga matutulungan din siyang nangangailangan.”

Maraming bersiyon na rin daw ng Robin Hood sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Robin Hood has had different reincarnations or versions in different countries. In Russia, there’s the short novel on Alexander Pushkin whose Robin Hood character went by the name Black Eagle. In Brazil, there’s the real life Limpaio. In Japan, a Kabuki adaptation of Robin Hood was successfully mounted with the character of Nezumikozo as the name of the legendary hero. This is to name only a few. What we are seeing here is a modern version of Robin Hood, an adaptation of a universal figure made inspirational and relevant to the Filipino audience.”

Sa September 19, ang grand premiere ng Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes at sa presscon nito, maririnig natin ang pahayag ng aktor tungkol sa kontrobersiya. Tatanungin na rin namin ang director nitong si Dominic Zapata at ang mga writer na rin na kinabibilangan ni Aloy Adlawan.

Bagamat may negative reaction sa diumano’y panggagaya ng Alyas Robin Hood sa Arrow, may positibo ring nagawa ang kontrobersiya. Nadagdagan ang na-curious sa Alyas Robin Hood at nangako silang panonoorin ito para malaman kung may panggagaya nga bang ginawa ang GMA-7. (NITZ MIRALLES)