Lil copy

WHAT’s going on, Weezy? Nag-panic ang mga tagahanga ni Lil Wayne madaling araw nitong Sabado nang mag-tweet siya na magreretiro na, ilang sandali matapos ipinatawag ang mga pulis sa kanyang bahay sa Miami.

“I AM NOW DEFENSELESS AND mentally DEFEATED & I leave gracefully and thankful I luh my fans but I’m dun,” tweet niya, na ikinataranta ng kanyang mga tagahanga.

Noong Biyernes ng hapon, ipinatawag ang Miami police sa bahay ni Lil kasunod ng mga ulat ng pamamaril. Kalaunan ay iniulat ng ABC 10 na peke ng tawag, ang ikalawang pagkakataon na nangyari ito sa loob ng halos 18 buwan. Hindi pa malinaw kung ang tweet ay direktang may kinalaman sa insidente, o may iba pang dahilan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa kasalukuyan, may sigalot ang Lollipop hitmaker at ang kanyang label na Cash Money Records, dahil sa labis na pagkaantala ng kanyang 12th studio album na Tha Carter V.

Makalipas ang ilang oras, nagbalik ang 33-anyos na rapper sa Twitter para linawin ang ilang naunang tweet: “Ain’t lookin for sympathy, just serenity.”

Nang patuloy na bahain ng fans at kapwa performers kabilang nina Missy Elliott at Chance the Rapper ang kanyang account ng mga pagkabigla at apela na huwag siyang magretiro, pinawi ni Lil Wayne ang kanilang pagkabahala.

 

“I’m good y’all don’t trip,” simpleng tweet niya. (Us Weekly)