MELBOURNE (PNA) – Pinag-aaralan ngayon ng mga scientist ang Tasmanian devil, ang iconic marsupial ng Australia, na nagkaroon ng resistance sa cancer sa pag-asang makatulong ito sa tao.
Simula nang madiskubre noong 1996 ang devil facial tumor disease (DFTD) ay mahigit 80 porsiyento ng populasyon ng Tasmanian devil ang namatay sa sakit, dahilan para maging endangered species ang marsupials.
Nitong Miyerkules ay inilathala sa journal na Nature Communications ang natuklasan sa 17-taong international study na pagbabago sa genetic ng devils na iniugnay sa paggupo nito sa cancer.
“The main result of this study is that the devil is evolving at a genomic level,” sabi ni Menna Jones, co-author ng study at professor sa University of Tasmania’s School of Biological Sciences, sa ABC. “It indicates that the devil is adapting, it’s responding to the disease in ways that it may be able to beat the cancer and save itself.”