Hindi na tutuloy sa Brunei si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang Davao blast.

Ang Pangulo ay sasabak sana sa kanyang kauna-unahang working visit sa Brunei sa Setyembre 4 at 5, ngunit mas pinipili ng Pangulo na bantayan ang pagkilos ng pamahalaan sa naganap na pag-atake, ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

“Nabanggit po ng Pangulo na, sa kasalukuyang sitwasyon, ay nais niyang hindi na tumuloy sa kanyang biyahe,” unang pahayag ni Andanar bago isapinal ang hindi pagpunta sa Brunei.

Samantala, tutuloy din umano ang Pangulo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Laos, sa Setyembre 6 hanggang 8. (Genalyn Kabiling)

Dalaga, pinagtataga umano ama-amahan; umawat na nobyo, sugatan din