Hiniling ng mga opisyal ng Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City sa Commission on Audit (COA) na tanggalin na nito ang ipinatutupad na ‘freeze’ order sa kanilang bank account upang makapag-withdraw na ang mga ito dahil siyam na buwan nang hindi sila sumu-suweldo na nag-ugat sa umano’y naganap na illegal withdrawal of funds ng kapitan ng barangay noong 2015.

Paliwanag ni Rene Sumacot, isa sa mga kagawad ng Barangay Bagong Pag-asa, nagtungo na sila sa tanggapan ng resident auditor sa Quezon City hall upang kumbinsihin ito na “payagan na silang makapag-withdraw sa pondo para na rin sa kapakanan ng mga opisyal nito, gayundin ang kanilang constitutents.”

Aniya, sinabi umano sa kanila ng COA na “hihintayin lamang nila ang approval ng Office of the President upang makapagpalabas na sila ng pondong gagamiting pampasahod sa aabot sa 300 na kawani ng barangay na hindi sumusuweldo mula pa noong Enero ng kasalukuyang taon.” (Rommel Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'