STA. BARBARA, Pangasinan – Isang barangay chairman ang binaril at napatay ng mga hindi kilalang suspek na nakasuot ng bonnet, habang nasa bahay ng kapatid nito sa Barangay Payas.

Kinilala ni Chief Insp. Rex Infante, OIC chief of police ng Sta. Barbara Police, ang biktimang si Romeo Macatbag Montemayor, 48, may asawa, at chairman ng Bgy. Payas sa Sta. Barbara.

Ayon kay Infante, dakong 7:25 ng gabi nitong Biyernes at nagpapa-pedicure si Montemayor sa bahay ng kanyang kapatid na babae nang lapitan at pagbabarilin ng suspek.

Samantala, kinukumpirma pa ng pulisya ang usap-usapan ng mga residente na gumagamit at nagbebenta umano ng droga ang biktima. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar