HONG KONG (AP) — Bumoto ang Hong Kongers nitong Linggo sa pinakamahalagang halalan ng Chinese city simula 1997.
Ang botohan para sa mga mambabatas ng Legislative Council ay ang unang major election simula ng yanigin ng mga pro-democracy protest ang Asian financial hub noong 2014. Ang resulta nito ay maaaring magbigay-daan sa panibagong serye ng mga banggaan sa politika para makontrol ng Beijing ang lungsod.
Nakasalalay dito ang kapangyarihan na mapanatili si Leung Chun-ying, na suportado ng Beijing, at alamin ang katapatan ng kanyang gobyerno. Sa kasalukuyan ay kontrolado ng “pan-democrat” lawmakers ang 27 sa 70 puwesto, kumpara sa 43 hawak ng mga mambabatas na maka-Beijing.
Ipinaglalaban ng democrats na mapanatili ang kontrol sa tatlong bahagi ng mga puwesto, na magbibigay sa kanila ng veto power upang maharang ang mga pagsisikap ng gobyerno na pagtibayin ang mga panukalang batas na papabor sa mainland.