Setyembre 3, 1982 nang iorganisa ng Apple co-founder na si Steve Wozniak ang US Festival sa San Bernardino County, California. Tumagal ito ng tatlong araw, at 425,000 ang dumalo.
Iba’t ibang rakista gaya ng Ramones, Police, Talking Heads, at Tom Petty, kasama ang iba pang mga artist sa iba’t ibang genre, ang nagtanghal sa event. Hindi alintana ng mga manonood ang init at nagpamigay ng mga spray bottle, mayroon ding truck ng tubig na may water cannon, at libreng shower.
Tampok sa US Festival Technology Exposition, na matatagpuan sa likod ng main stage, ang futuristic technologies noong panahong iyon.
Isa pang US Festival ang idinaos noong 1983, na pinangunahan ni David Bowie at tampok ang iba pang mga banda.
Sobrang laki ng nagastos ni Wozniak para sa dalawang festival, ngunit nagsilbi itong inspirasyon ng modern-day musical events.